Bagyong Butchoy, papunta na sa West Philippine Sea; Signal No. 1, nakataas pa rin sa Zambales at ilang lugar sa Pangasinan

Napanatili ng Bagyong “Butchoy” ang lakas nito habang kumikilos patungo sa West Philippine Sea.

Sa 8 a.m. bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 50 kilometers Kanluran ng Iba, Zambales.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong 70 kph.


Nakataas na lang ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Zambales at ilang bahagi ng Pangasinan kabilang ang Bolinao, Anda, Bani, Agno, Alaminos City Burgos, Dasol, Mabini, Sual, Labrador at Infanta.

Ang mga nabanggit na lugar kabilang ang Visayas, Southern Luzon at western portion ng Mindanao ay makararanas ng pabugso-bugsong pag-ulan bunsod ng bagyo at pag-iral ng hanging habagat.

Bukas ng umaga, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

Facebook Comments