BAGYONG CALOY | Binabantayang LPA, ganap nang bagyo

Manila, Philippines – Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pero ayon sa PAGASA, bukas o sa Martes pa ito posibleng pumasok sa PAR.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1, 740 kilometers east ng Hinatuan, Surigao Del Sur.


Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong hanggang 65 kilometers per hour.

Kapag pumasok sa Pilipinas, tatawagin itong bagyong Caloy.

Facebook Comments