BAGYONG CARINA, HINDI NAGING HADLANG SA PAMAMAHAGI NG BIGAS SA ISABELA

Cauayan City – Apektado man ng bagyong Carina, hindi pa rin ito naging hadlang sa pamamahagi ng bigas mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Bagama’t kabilang sa mga bayan na nasa ilalim ng signal number 1 dulot ng bagyo, ipinaabot pa rin sa mga residente ng bayan ng Cabagan at San Pablo ang kanilang buwanang ayudang bigas.

Kabilang sa mga nakatanggap ng kanilang semestral rice subsidy ay ang 1,113 na DepEd Personnels mula sa mga nabanggit na bayan.


Samantala, kasabay nito ay nakatanggap rin ng bigas ang 289 na tobacco farmers at 484 barangay frontliners mula naman sa bayan ng San Mateo, Isabela.

Facebook Comments