Bagyong “Carina”, humina at isa na muling typhoon; Signal no. 2 nakataas pa rin sa Batanes

Humina sa typhoon category ang Bagyong “Carina” habang papalapit sa Taiwan

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 335 kilometers hilaga ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 1725 km/h at pagbugsong 215 km/h.


Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes, habang Signal No. 1 naman sa:

• Babuyan Islands
• Hilagang bahagi ng mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Santa Ana, Gonzaga)
• Hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Pagudpud, Dumalneg, Adams)

Facebook Comments