Bagyong Carina, humina pa habang nasa southeastern China; panibagong LPA, binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao

Humina pa at isa na lamang severe tropical storm ang Bagyong “Carina” habang nasa Timog-silangan ng China.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 630 kilometers hilaga hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito pa hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 110 km/h at pagbugsong hanggang 135 km/h.


Wala nang lugar sa bansa ang nakasailalim sa tropical cyclone wind signal.

Pero may mga pag-ulan pa rin ngayong araw sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Negros Occidental, at Northern Samar bunsod ng Habagat.

Samantala, isang panibagong low pressure area (LPA) ang namataan sa bahagi ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, wala pa itong direktang epekto sa bansa at mababa pa sa ngayon ang tiyansa na maging bagyo.

Facebook Comments