Papalapit ng Luzon Strait ang Tropical Depression “Carina.”
Huling namataan ang bagyo sa layong 275 kilometers Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 55 kph.
Kumikilos ang bagyo pakanlunran sa bilis na 20 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod:
– Batanes
– Babuyan Islands
– Hilagang Bahagi ng Cagayan
Ayon sa DOST-PAGASA, may posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa Cagayan at Babuyan Islands mamayang gabi hanggang bukas ng umaga.
Asahan ang malalakas na ulan sa Cagayan at Isabela habang may mahihina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Aurora at hilagang bahagi ng Quezon Province kabilang ang Polillo Islands.
Posibleng humina ang bagyo sa Low Pressure Area (LPA) sa Miyerkules, July 15, 2020.