Bagyong “Carina”, napanatili ang lakas habang tinutumbok ang extreme northern Luzon; 3 lalawigan, nakasailalim pa rin sa Signal No. 1

Napanatili ng Tropical Depression “Carina” ang lakas nito habang tinutumbok ang extreme northern Luzon.

Alas-10:00 kaninang umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 245 kilometers Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kumikilos ito pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour (kph) taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kph at pagbugsong 55 kph.


Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, Babuyan Islands at northeastern portion ng Cagayan partikular sa mga bayan ng Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, eastern Lal-Lo, eastern Gattaran at eastern Baggao.

Makararanas ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.

Inaasahang hihina ang bagyo at magiging Low Pressure Area (LPA) na lamang sa Miyerkules, July 15, 2020.

Facebook Comments