Bagyong ‘chedeng’ malaki ang tulong sa mga lugar na apektado ng El Niño ayon sa PAGASA

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA weather bureau na   malaki ang naitulong ni bagyong Chedeng sa mga lugar na nakakaranas ngayon ng El Niño.

Ayon kay Weather Specialist Beni Estareja, mula ala singko kahapon, nasa katamtaman hanggang sa may kalakasang pag ulan ang ibinagsak ni chedeng sa Surigao del Sur,Agusan del sur Davao region, Soccsksargen at Northern Mindanao.

Katumbas ito ng 120 mili meters ng tubig na  sapat upang matugunan ang below normal o 60-percent reduction sa average rainfall sa nakalipas na buwan.


Sa pinakahuling weather bulletin, si chedeng ay isa na lamang Low Pressure Area (LPA) si chedeng.

Bagamat humina na ang bagyo, tuloy tuloy pa rin ito na mag papa ulan sa mga nabanggit na lugar kasama na ang Bangsammlro at Zamboanga Peninsula.

Facebook Comments