Humina na ang bagyong “Crising” at isa na lamang Low Pressure Area (LPA).
Sa ulat ng PAGASA, alas-8:00 kaninang umaga nang maging LPA ang bagyo.
Huli itong namataan sa bisinidad ng Piagapo, Lanao del Sur.
Patuloy na kumikilos ang LPA pa-Kanluran at inaasahang makararating sa Sulu Sea sa susunod na anim hanggang 12 oras.
Samantala, ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, ilang insidente ng pagbaha bunsod ng bagyong “Crising” ang iniulat sa tanggapan pero bineberipika pa nila ito.
Wala namang naitalang casualty dahil sa bagyo.
Facebook Comments