Inihayag ng pamunuan ng Department of Agriculture (DA) na nakapagtala na ng inisyal na ₱14.60 milyong halaga ng pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng Bagyong Dante.
Base sa record ng DA, may 477 magsasaka at 616 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan ng kalamidad partikular sa SOCCSKSARGEN at Caraga Region.
Ayon sa DA, abot na sa 500 metriko tonelada ang naitalang nawala sa produksyon partikular sa pananim na palay at mais sa mga nabanggit na rehiyon.
Tinitiyak naman ng DA na may nakahanda na silang interbensyon para matulungan ang mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Ilan dito ang Quick Respond Fund para sa rehabilitasyon ng apektadong areas, mga ibibigay na binhi ng palay, mais at gulay, gamot para sa livestock at poultry, Survival and Recovery Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council at kabayaran mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.