Kumikilos na ang Bagyong Dante pa-Hilagang Kanluran, papalapit sa eastern coast ng Oriental Mindoro.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa Hilagang-Kanluran ng Romblon, Romblon o sa layong 115 kilometers Timog-Silangan ng Calapan, Oriental Mindoro.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 km/h at pagbugsong 90 km/h.
Kumikilos ang bagyo pa-Hilangang Kanluran sa bilis na 25 km/h.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa:
Romblon
Marinduque
Hilaga at gitnang bahagi ng Oriental Mindoro
Hilaga at gitnang bahagi ng Occidental Mindoro
Batangas
Cavite
Bataan
Timog-kanluran bahagi ng Bulacan
Kanlurang bahagi ng Pampanga
Zambales
Kanlurang bahagi ng Tarlac
Kanlurang bahagi ng Pangasinan
Habang signal number 1 sa:
Hilagang bahagi ng Palawan
Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro
Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro
Kanlurang bahagi ng Quezon
Kanluran at gitnang bahagi ng Laguna
Metro manila
Rizal
Bulacan
Natitirang bahagi ng Pampanga
Natitirang bahagi ng Tarlac
Kanlurang bahagi ng Nueva Ecija
Natitirang bahagi ng Pangasinan
Hilagang bahagi ng Benguet
La union
Aklan
Capiz
Hilagang bahagi ng Antique
Hilagang-kanlurang bahagi ng Iloilo
Samantala, limang beses nang nag-landfall ang bagyong Dante at pinakahuli ay sa San Agustin, Romblon kaninang alas 8:50 ng umaga.