Tumatawid na Bataan Peninsula ang Tropical Storm Dante.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa baybayin ng Morong, Bataan.
Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 90 km/hr.
Kumikilos ang bagyo pahilagang kanluran sa bilis na 20 km/hr.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa sumusunod na lugar:
-Lubang Islands
-Kanlurang bahagi ng Batangas
-Kanlurang bahagi ng Cavite
-Kanlurang bahagi ng Bulacan
-Kanlurang bahagi ng Pampanga
-Kanlurang bahagi ng Tarlac
-Zambales
-Bataan
-Kanlurang bahagi ng Pangasinan
Nakataas naman ang Signal Number 1 sa sumusunod na lugar:
-Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro
-Hilagang bahagi ng mainland Occidental Mindoro
-Gitnang bahagi ng Batangas
-Natitirang bahagi ng Cavite
-Kanlurang bahagi ng Laguna
-Kanlurang bahagi ng Rizal
-Metro Manila
-Gitnang bahagi ng Bulacan
-Natitirang bahagi ng Pampanga
-Natitirang bahagi ng Tarlac
-Kanlurang bahagi ng Nueva Ecija
-Gitnang bahagi ng Pangasinan
-La Union
Asahan ang malalakas na pag-ulan sa Lubang Island, Bataan at Zambales habang may paminsan-minsang malalakas din na pag-ulan sa Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental at Oriental Mindoro at Calamian Islands.
May mahihina pero may minsang malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Metro Manila, Marinduque, at nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, at natitiranang bahagi ng hilaga at gitnang Palawan kasama ang Cuyo at Kalayaan Islands.
Susunod na dadaanan ng bagyo ang bisinidad ng Zambales at Pangasinan hanggang sa makarating ito ng Bashi Channel malapit na sa katimugang bahagi ng Taiwan.
Inaasahang hihina ang bagyo bilang Tropical Depression bukas ng gabi.