Bagyong “Dodong,” napanatili ang lakas habang nasa West Philippine Sea; ilang lugar sa Luzon at Visayas, uulanin pa rin dahil sa Habagat

Napanatili ng Bagyong “Dodong” ang lakas nito habang nasa West Philippine Sea.

Huli itong namataan sa layong 270 kilometers kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at 70 kilometers per hour.


Wala nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang lugar sa bansa.

Gayunpaman, magiging masungit pa rin ang panahon ngayong araw sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, silangang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas dahil sa Habagat.

Ayon sa PAGASA, posibleng lumakas pa ang bagyo habang nasa West Philippine Sea at maging isang tropical storm ngayong araw at umabot sa typhoon category sa Lunes.

Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility mamayang tanghali o bukas ng umaga.

Facebook Comments