Limang insidente ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Domeng.
Batay sa monitoring ng NDRRMC may naganap na flashflood sa Barangay Tinago Malimono Surigao del Norte, at sa Barangay New Dagupan Calintaan, Occidental Mindoro.
Wala namang naitalang Casualties.
Habang sa Bagong Sibol Barangay Burgos Rodriguez Rizal na-monitor ng NDRRMC ang pagguho ng riprap wala namang naitalang casualties.
May nangyari namang overflowed spillway sa Sta. Cruz Occidental Mindoro pero wala ring naitalang sugatan o nasawi.
Dahil naman sa lakas ng ulan kahapon lumampas sa runway ng Busuanga Airport sa Palawan ang isang eroplano ligtas naman ang walongpung pasahero at anim na crew ng eroplano.
Hanggang ngayong araw naman umaabot na sa 72 pasahero ang stranded sa mga pantalan ng Legaliz at Rapu-Rapu matapos isuspende ang byane ng dalawang barko at motorbancas.
Nagpapatuloy naman ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Domeng.