Manila, Philippines – Patuloy na humihigop ng lakas ang tropical depression Domeng sa Philippine Sea.
Huli itong namataan sa layong 725 kilometers, silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong north – northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
Malabo ang tiyansa nitong mag-landfall.
Inaasahang magdadala ito ng katamtaman hanggang sa malalakas na ulan sa katimugang Luzon, buong Visayas at Mindanao.
Pinalalakas ng bagyong Domeng ang hanging habagat na siyang magpapaulan sa MIMAROPA, western Visayas kasama na ang Metro Manila.
Pinaiiwas muna ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na pumalaot sa kanluran at silangang baybayin ng Luzon.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Linggo.