BAGYONG DOMENG | Ilan lugar sa QC, lubog na sa baha

Lubog sa tubig-baha ang ilan mga lansangan sa Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.

Batay sa monitoring ng Metro Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa mga lubog sa baha ang bahagi ng R.Papa Street at Rizal Avenue Extension sa boundary ng Maynila at Caloocan City.

Hanggang gutter naman ang tubig sa paligid ng Monumento Circle sa kasalukuyan.


Sa Makati City, hanggang binti na rin ang tubig baha sa ilang bahagi ng Pasong Tamo Avenue at Buendia dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Ang bahagi ng Pasong Tirad Street ay hindi na madaanan ng mga maliliit na sasakyan sa kasalukuyan.

Lubog din sa baha ang ilan bahagi ng Mc Arthur hi-way sa Valenzuela City at Taft Avenue sa Maynila.

Facebook Comments