Manila, Philippines – Kanselado ang 2 domestic flights ngayong Sabado, June 9 dahil sa sama ng panahon sa ilang bahagi ng bansa.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) kabilang sa mga kanselado ay ang Cebu Pacific flight 5J 513/514 Manila-San Jose-Manila.
Kasunod nito pinapayuhan ang mga pasahero na may kanseladong flight na makipag-ugnayan sa nabanggit na airline company para sa re-booking o refund ng kanilang pamasahe.
Samantala, nananatiling kanselado ang Cebgo Flights DG 6041/6042 Manila-Busuanga-Manila, DG 6057/6058 Manila-Busuanga-Manila at skyjet flight m8 715/716 Manila-Busuanga-Manila.
Dahil sa runway closure ng Francisco B. Reyes Airport makaraang mag overshoot ang isang eroplano kahapon.
Wala namang international flights ang kanselado ngayong araw.