BAGYONG DOMENG | Mga residente sa paligid ng Bulkang Mayon, pinag-iingat

Albay – Pinag-iingat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente sa paligid ng Bulkang Mayon sa posibleng masamang epektong dala ni bagyong Domeng.

Inaasahang magdudulot ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa kahit hindi direktang tatama sa bansa ang bagyo.

Ayon kay PHIVOLCS Senior Research Specialist Paul Alanis, malaking volume ng volcanic debris ang nakaimbak sa ituktok ng bulkan at posibleng dumaloy ito kapag may malalakas na ulan .


Babala nito sa mga residente na lumayo sa mga active river channels at sa mga lahar prone areas lalo na sa southern at eastern sectors.

Sa ngayon tahimik ang bulkang Mayon sa pag-aalburoto pero nanatiling peligro ito lalo na ngayong may mga pag-ulan.

Kahapon, isang volcanic earthquake lamang ang naitala ng seismic monitoring network sa bulkan sa nakalipas na 24 oras pero pansin ang mahinang pagbuga ng abo.

Facebook Comments