BAGYONG DOMENG | Pananalasa ng hanging habagat, nag-iwan na ng tatlong patay – NDRRMC

Umabot sa tatlo ang naitalang nasawi dahil sa epekto ng habagat na pinalakas ng bagyong Domeng na nakalabas na Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Edgar Posadas, sa mga nasawi, dalawa sa mga ito ang natabunan ng lupa sa ginagawang condominium sa Salud Mitra Baguio City.

Kinilala ang mga ito na sina Engineer Patrick Lachica, project engineer ng ipinapatayong condo at ang human relations officer na si Hannah Jean Aragon.


Una namang nasawi ang si Algemon Dalisam Nuñez residente ng Barangay Corong-Corong, El Nido, Palawan na nahulog sa sinasakyang jetski dahil sa lakas ng hangin.

Nagpapatuloy naman ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na patuloy na naapektuhan ng pag-ulan dulot ng habagat.

Facebook Comments