BAGYONG DOMENG | Road reblocking at repairs sa QC, nakadagdag sa matinding trapiko

Manila, Philippines – Bukod sa pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan nakadagdag din ngayon sa matinding traffic ang road reblocking at repairs sa Quezon City.

Apektado nito ang southbound lane ng Edsa, mula Arayat Street, harap ng Francesa Tower hanggang Scout Borromeo.

Sa northbound lane ng Edsa, malapit sa North Avenue Station, sa Batasan Road, Commonwealth Avenue hanggang Katarungan Street, second lane ng Congressional Avenue harap ng Business Bank hanggang Mindanao Avenue.


Pasado alas onse kagabi ng simulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at reblocking at pagkukumpuni kung saan inaasahang matatapos ito sa Lunes ng madaling araw.

Facebook Comments