Bagyong Egay, humina habang papalapit ng Batanes area

Unti-unting lumalapit ang tropical depression egay sa Batanes Area.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 195 kilometers, silangan – hilagang silangan ng Aparri, Cagayan.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Aldzar Aurelio – humina ito na may lakas na hanging nasa 45 kilometers per hour at pagbugsong 60 kph.


Bumilis ito sa 40 kph at kumikilos northwest.

Kaya, nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Pero pinalalakas ng bagyo ang hanging habagat, kaya asahan mahina hanggang sa katamtamang ulan na minsan ay nagiging malalakas lalo na sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Metro Manila.

Sa Visayas, makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan sa buong Kabisayaan.

Magandang panahon sa Mindanao maliban sa isolated thunderstorms.

Samantala, may isang Low Pressure Area (LPA) din ang binabantayan sa West Philippine Sea (WPS) na nasa 575 kilometers kanluran ng northern luzon at inaasahang papalayo ng bansa patungong China.

Facebook Comments