Bagyong Egay, posibleng maging super typhoon sa Lunes, ayon sa PAGASA

Posible umanong maging supertyphoon ang Bagyong Egay.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather bureau, maaaring mangyari ito sa Lunes ng gabi o umaga ng Martes habang kumikilos ito sa silangan ng Philippine Sea.

Dagdag ng PAGASA, sa loob ng 12 oras ay inaasahang lalo pang lalakas ang Bagyong Egay at magiging tropical storm.


Hindi pa nakikita ng weather bureau na lalapag sa kalupaan ang Bagyong Egay dahil mananatili ito sa karagatang sakop ng silangang bahagi ng Luzon.

Pero, ‘di isinasantabi ng PAGASA na mag-landfall ito sa silangang bahagi ng mainland Cagayan at Batanes.

Dahil dito, pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat at maghanda naman ang mga LGU dahil sa banta ng Bagyong Egay.

Facebook Comments