Bahagyang lumakas ang binabantayang tropical depression ng PAGASA na pinangalanang Emong.
As of 5PM, huling itong namataan sa layong 780 kilometers Silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 70 kph.
Patuloy itong kumikilos pahilaga-hilagang Kanluran sa bilis na 25 kph.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes at northeastern portion ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands.
Sa ngayon, posibleng lumakas at maging isang ganap na tropical storm ang bagyong Emong sa susunod na 24 oras at dumaan sa Batanes-Babuyan Island.
Inaasahang hihina naman ito pagdating ng Martes at babalik bilang isang tropical depression.
Samantala, isa pang LPA ang binabantayan ng PAGASA na kasalukuyang nasa bisinidad ng Calapan, Oriental Mindoro.
Mababa ang tiyansang maging bagyo ito pero ang pinagsamang epekto ng LPA at hanging habagat ang magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa bahagi ng Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, at Mindanao.