Bagyong Emong, lalabas na ng PAR ngayong umaga; nasa baybayin na ng Southern Taiwan

Lumihis ang direksyon ng Tropical Depression Emong ay malapit na ito sa baybayin ng Southern Taiwan.

Huling namataan ang bagyo sa layong 140 kilometers Hilagang Kanluran ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 70 km/hr.


Kumikilos na ito pahilagang-kanluran sa bilis na 30 km/hr.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes.

Ayon sa PAGASA, mataas ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa Pingtung County sa Taiwan habang nananatili ang lakas nito.

Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo ngayong umaga.

Facebook Comments