Maghahatid ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands ang Tropical Depression Emong.
Sa huling monitoring ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 620 kilometers Hilagang Silangan ng Catarman, Northern Samar o 785 kilometers Silangan ng Casiguran.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph at pagbugsong nasa 70 kph.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 35 kph sa direksyon ng hilagang kanluran.
Mataas ang posibilidad na lumakas pa ang bagyo bilang Tropical Storm sa loob ng 12 hanggang 24 oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes, Hilagang-Silangang bahagi ng Cagayan.
Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands mula mamayang gabi hanggang bukas ng tanghali.
Patuloy na kikilos pahilagang-kanluran ang bagyo hanggang sa makalabas ito sa Philippine Area of Responsibility Martes ng umaga.