Bagyong Emong, nakalabas na ng bansa —PAGASA

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Emong.

Ayon sa Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), dakong alas-7:10 ng umaga kanina lumabas ng bansa ang nasabing bagyo.

Samantala, mararanasan naman ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Metro Manila, at Bulacan sa loob ng dalawang oras.

Facebook Comments