Napanatili ng bagyong Emong ang lakas nito na huling namataan sa layong 530 kilometers silangan hilagang-silangan ng Casiguran, Aurora o Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
As of 5am ngayong araw, taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph at pagbugsong nasa 70 kph.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 40 kph sa direksyon ng pakanluran hilagang kanluran.
Mataas ang posibilidad na lumakas pa ang bagyo bilang Tropical Storm sa loob ng 12 hanggang 24 oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes, Hilagang-Silangang bahagi ng Cagayan.
Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands mula mamayang gabi hanggang bukas ng tanghali.
Patuloy na kikilos pahilagang-kanluran ang bagyo hanggang sa makalabas ito sa Philippine Area of Responsibility Martes ng umaga.