Bagyong Enteng, bahagyang humina pero Signal No. 2, nakataas pa rin sa 11 lugar sa Luzon

Bahagyang humina ang bagyong Enteng habang binabagtas ang bulubunduking bahagi ng Cordillera.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Kabugao, Apayao.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong hanggang 125 kilometers per hour.


Nananatili naman sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang:

• Ilocos Norte
• Northern portion of Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Vigan, Bantay, Santa, Caoayan)
• Apayao
• Abra
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
• Northern at central portions ng Isabela (Santo Tomas, Alicia, San Mateo, Aurora, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Ramon, Naguilian, Roxas, San Guillermo, Luna, Delfin Albano, City Of Cauayan, Echague, San Pablo, Ilagan City, Angadanan, Benito Soliven, City Of Santiago, Tumauini, Cabagan, Reina Mercedes, San Manuel, Cabatuan, Quirino, Divilacan, Gamu, San Isidro, Mallig, Cordon, Jones, Maconacon, Burgos, San Agustin)
• Northern portion of Quirino (Cabarroguis, Diffun, Saguday, Aglipay)
• Northern portion of Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag)

Signal number 1 naman sa:

• Batanes
• nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
• La Union
• Benguet
• natitirang bahagi ng Isabela
• natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
• nalalabing bahagi ng Quirino
• Hilagang-silangang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon)
• Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dilasag, Dinalungan)

Sa forecast ng PAGASA, posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng umaga.

Pero inaasahang lalakas pa ito at magiging severe tropical storm mamayang tanghali o gabi at aabot pa sa typhoon category sa Huwebes.

Facebook Comments