Bagyong Fabian, bahagyang lumakas habang patungo sa silangang bahagi ng PAR

Bahagyang lumakas ang Tropical Depression Fabian habang patungo sa Eastern Limit ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,365 kilometers Silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 km/hr.


Kumikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 15 km/hr.

Mataas ang tiyansang lumakas ito bilang Tropical Storm sa susunod na 12 oras.

Ayon sa PAGASA, wala pang inaasahang epekto ang bagyo sa alinmang bahagi ng bansa pero palalakasin nito ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa MIMAROPA at kanlurang bahagi ng Visayas.

Mananatili rin ang bagyo sa bansa habang patungo ito ng hialga hanggang bukas ng umaga.

Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo sa pagitan ng Lunes ng gabi hanggang Martes ng umaga.

Facebook Comments