Manila, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Fabian.’
Naging tropical storm ito sa labas ng PAR at binigyan ng international name na ‘Roque.’
Kasalukuyan itong kumikilos patungong Southern China.
Samantala, isang panibagong Low Pressure Area ang binabantayan ngayon ng PAGASA sa silangang bahagi ng bansa.
Huli itong namataan sa layong 335 kilometers hilagang-silangan ng hinatuan, Surigao del Sur kaninang alas tres nang madaling araw.
Southwest monsoon naman ang umiiral sa kanlurang bahagi ng luzon at kabisayaan.
Dahil dito, makararanas ng maulap na kalangitan na may katamtaman hanggang malalakas na pag-ualan ang Caraga Region, Eastern at Central Visayas.
Habang mahinang pag-ulan naman sa Metro Manila, Ilocos Region, Mimaropa, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Northern Mindanao, Zambales At Bataan.
Posibleng maging bagyo ang LPA sa susunod na dalawa hangang tatlong araw.
Sakaling maging bagyo, papangalanan itong “Goryo”.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila: 25 to 32 degree celsius.
Sunrise: 5:37
Sunset: 6:28