Bagyong Falcon, lalabas na sa bansa mamayang gabi

Patuloy na nananalasa ang tropical storm Falcon sa extreme northern Luzon.

Huling namataan ito sa layong 230 kilometers hilagang silangan ng Basco, Batanes.

May lakas ng hanging nasa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kilometers per hour.


Bumagal ang kilos nito sa 20 kph.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes habang signal number 1 sa Babuyan Group of Islands.

Maliban dito, isang LPA ang binabantayan 265 kilometers kanluran ng Sinait, Ilocos Sur at mataas ang tiyansa nitong maging bagyo.

Kapag naging bagyo ito ay tatawagin itong ‘Goreng.’

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – ang bagyo at LPA ay kapwa pinalalakas ang hanging habagat.

Ang natitirang bahagi ng Luzon at Western Visayas ay may kalat-kalat na pag-ulan na lamang.

Sisilip na ang haring araw sa nalalabing bahagi ng Kabisayaan at Mindanao pero may tiyansa ng ulan sa hapon o gabi.

Mamayang gabi ay lalabas na ng bansa ang bagyong Falcon.

Facebook Comments