Bagyong Falcon, nag-landfall na sa Cagayan

Nagland-fall na sa Gattaran, Cagayan ang tropical storm Falcon.

Huling namataan ito sa bisinidad ng Gonzaga, Cagayan.

May lakas na hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kilometro kada oras.


Kumikilos ang bagyo 30 kilometers per hour.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes at hilagang silangang bahagi ng Cagayan, kasama ang Babuyan Group of Islands.

Signal number 1 naman sa: natitirang bahagi ng Cagayan; Ilocos Norte; Abra; Apayao; Kalinga; Isabela; Mountain Province; Ifugao; hilagang bahagi ng Aurora; hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya at hilagang bahagi ng Quirino.

Kaya asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Nueva Ecija, Aurora, Zambales, Occidental Mindoro, Northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Guimaras.

May mahihinang ulan na paminsan-minsan ay malalakas sa Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region at natitirang bahagi ng Kabisayaan, Central Luzon at Mimaropa.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Biyernes ng umaga.

Muling mag-a-update ang PAGASA kaugnay sa bagyo ngayong alas-5:00 ng umaga.

Facebook Comments