Bagyong Falcon, napanatili ang lakas habang nasa Philippines sea

Nananatili sa Philippines sea ang tropical depression Falcon.

Ito ay namataan 690 kilometers silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay ang lakas ng hanging nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kilometers per hour.


Kumikilos pakanluran sa bilis na 30 kph.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Northern Isabela, Cagayan, Isabela.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – palalakasin ng bagyo ang habagat na magdadala ng paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Mimaropa, Western Visayas, Albay, Masbate, Sorsogon at Northern Samar.

Ang Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Zambales, Bataan at Mindoro ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malalakas na ulan simula bukas dahil sa pinagsamang epekto ng Falcon at southwest monsoon.

Sa Metro Manila, Calabarzon, Western Visayas at natitirang bahagi ng Central Luzon at Mimaropa ay may mahihinang pag-ulan.

Posible pang lumakas ang bagyo habang papalapit ito ng dulong hilagang Luzon bukas ng hapon o gabi.

Lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes.

Facebook Comments