MANILA – Nagbabala ang PAGASA sa mga residente ng Batanes dahil sa banta ng storm surge dahil sa paglakas ng bagyong FERDIE.Sa latest weather bulletin ng PAGASA, nasa signal #3 na ang Batanes kung saan taglay ng bagyo ang lakas na 215 kilometers per hour at bugsong aabot sa 250 kph.Nakita ang mata ng bagyo, 480 kilometers sa Silangan ng Calayan, Cagayan.Nakataas din sa signal #2 ang Northern Cagayan at Babuyan Group of Islands habang nasa signal number 1 ang natitirang bahagi ng Cagayan, Northern Isabela, Kalinga, Apayao at Ilocos Norte.Sa interview ng Rmn kay Weather Forecaster Chris Perez, sinabi nitong tatama ang bagyong ‘Ferdie’sa isla ng Batanes, bukas ng madaling araw.Maliban sa bagyong Ferdie, isa pang tropical stormang binabantayan ng pagasa sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at papangalanan itong “Gener” kapag pumasok na sa bansa.
Bagyong Ferdie, Lalo Pang Lumakas Signal Number 3 Itinaas Sa Batanes
Facebook Comments