BATANES – Nag-iwan sa pinsala sa pananim at imprastraktura sa Batanes ang pananalasa ng bagyong Ferdie.Ayon kay Batanes Congresswoman Henedina Abad, na mahigit sa 100-residente ang nawalan ng tirahan at marami ang nananatili sa evacuation center.Sinabi naman ni RDRRMC Region 2 Operations Officer Dan Villamil, na hirap silang makakuha ng impormasyon hinggil sa epekto ng bagyong Ferdie sa iba pang lugar sa Batanes.Bukod sa Batanes, nakaranas din ng malakas na pag-ulan ang ibang lugar sa Hilagang Luzon partikular sa Ilocos Norte kung saan isang tulay ang nasira sa bayan ng Solsona.Tuloy-tuloy din ang ulan sa Baguio at iba pang bahagi ng Cordillera region lalo’t nakapasok na sa bansa ang bagyong Gener.
Facebook Comments