MANILA – Nag-landfall na sa Itbayat, Batanes ang bagyong Ferdie, kaninang alas 12:15 ng hatinggabi.Bagamat naglandfall na, napapanatili pa rin ng bagyong Ferdie ang kanyang lakas habang kumikilos pakanluran-hilagang-kanluran.Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 220 kilometers per hour at pagbugsong nasa 255 kph.Halos maituturing na ng PAGASA na supertyphoon ang bagyong ferdie dahil sa lakas ng hangin nito.Ayon sa PAGASA, inaasahan itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility mamayang tanghali.Samantala… nakataas pa rin ang signal number 4 sa batanes group of islands habang signal number 3 sa Babuyan Group of Islands.Signal number 2 naman sa Ilocos Norte, Apayao at Northern Cagayan habang signal number 1 sa Northern Isabela, Kalinga, Abra, Northern Ilocos Sur at natitirang bahagi ng Cagayan.Habang nananalasa ang bagyong Ferdie… pumasok na rin sa teritoryo ng Pilipinas ang “severe tropical storm Malakas” na may local name na “Gener”.Huli itong nakita sa 1,175 kilometro sa Silangan ng Virac, Catanduanes.Pero, ayon sa weather bureau, mababa ang tyansa nito na tumama sa kalupaan at wala itong magiging direktang epekto sa bansa.
Bagyong Ferdie, Naglandfall Na Sa Batanes
Facebook Comments