Lalo pang lumakas at isa na ngayong Severe Tropical Storm ang Bagyong Florita na patuloy na kumikilos patungong bahagi ng Isabela at Cagayan.
Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 120 KM east northeast ng Casiguran, Aurora.
Taglay ng Bagyong Florita ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometro kada oras at may pagbugso na nasa 115 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pahilaga-hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Samantala, nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:
Northern at eastern portion ng Mainland Cagayan at eastern portion ng Isabela.
Signal no. 2 naman sa:
- Nalalabing bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
- Nalalabing bahagi ng Isabela
- Quirino
- Eastern at central portions ng Nueva Vizcaya
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Northern portion ng Benguet
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- Northern at central portions ng Aurora
Habang nasa Signal No. 1 ang:
- Batanes
- Nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
- Nalalabing bahagi ng Benguet
- La Union
- Pangasinan
- Eastern portion ng Tarlac
- Nueva Ecija
- Nalalabing bahagi ng Aurora
- Eastern portion ng Pampanga
- Eastern portion ng Bulacan
- Eastern portion ng Rizal
- Northern portion ng Quezon kasama ang Polillo Islands
- Northern portion ng Laguna
- Camarines Norte
Ayon pa sa PAGASA, asahan na ang malalakas na pag-ulan at bugso ng hangin sa Cagayan, Isabela, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region at Zambales.
Samantala, patuloy ang paghahanda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at mga lokal na pamahalaan sa inaasahang pagtama ng Bagyong Florita.