Nakalabas na ng bansa ang Bagyong Florita at kasalukuyang tinatahak ang West Philippine Sea patungo ng China.
Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 335 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan.
May taglay pa rin itong lakas ng hanging aabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na nasa 115 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo patungong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Pero kahit nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR), nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang lugar sa Hilagang Luzon.
Ito ay sa:
• Batanes,
• Babuyan Islands,
• Western portion ng mainland Cagayan
• Western portion ng Kalinga
• Northern at western portions ng Benguet
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• At La Union
Ayon pa sa PAGASA, maghapon pa ring uulanin ang bahagi ng Ilocos Region, Abra, Benguet, at Cordillera Administrative Region.