BAGYONG GARDO | NDRRMC, nakahanda na sa posibleng epekto ng bagyong Gardo

Nakatutok ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa posibleng maging epekto ng bagyong Gardo sa bansa.

Sa interview ng RMN DZXL Manila kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas, kahit hindi direktang tatama ang bagyo sa kalupaan ay nagpatupad na rin sila ng precautionary measures.

Kahapon ay nagsagawa ng briefing ng PAGASA at Mines and Geosciences Bureau, kasama ang NDRRMC upang malaman ang dapat ihanda sa mga posibleng mangyari.


Kasabay nito, nagbabala si Posadas sa publiko, maging sa mga Local Government Unit (LGU) sa posibilidad ng pagtama ng flash flood at landslide sa mahigit apat na raang barangay sa anim na rehiyon sa bansa.

Mamayang hapon ay magsasagawa ng pre-disaster risk assessment ang NDRRMC at mga concern agencies kaugnay sa bagyong Gardo.

Facebook Comments