MANILA – Napanatili ng bagyong Gener ang kanyang lakas tinutumbok ang philippine sea.Ayon sa PAGASA, huling nakita ang mata ng bagyo sa layong 910 kilometers, sa Silangan ng Casiguran, Aurora.Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 160 kph.Kumikilos ang bagyo pa-kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 22 kph.Sa ngayon, wala pang nakataas na warning signal sa lahat ng bahagi ng bansa.Samantala, palalakasin ng bagyong Gener at ng kalalabas na bagyong Ferdie ang southwest monsoon o habagat.Kaya asahan ang maghapong ulan sa Central at Southern Luzon kasama na ang metro manila gayundin sa Visayas.Habang thunderstorm naman ang magpapaulan sa ilang bahagi ng Mindanao.
Facebook Comments