Bumilis ang paglakas ng bagyong “Goring” habang nasa dagat sa silangan ng Babuyan Islands.
Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 185 kilometers silangan hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan.
Kumikilos ito pa-timog-kanluran sa bilis na 10 kilomters per hour taglay ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour at pagbugsong 170 kilometers per hour.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa sumusunod:
- Extreme northeastern portion ng mainland Cagayan (Sta. Ana, Gonzaga)
- Extreme northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon)
Habang Signal No. 1 naman sa:
- Batanes
- Babuyan Islands
- Eastern portion of mainland Cagayan (Lal-lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Allacapan)
- Eastern portion of Isabela (Maconacon, Dinapigue, San Mariano, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City, Divilacan, Palanan)
- Northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran)
Ayon sa forecast ng PAGASA, patuloy na lalakas ang bagyo habang maging super typhoon sa Lunes.
Samantala, makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw dahil sa habagat na pinalalakas pa ng bagyong Goring.
Facebook Comments