Napanatili ng Bagyong “Goring” ang lakas nito habang nasa Philippine sea.
Kahapon nang maging super typhoon ang bagyo.
Sa pinakahuling update ng PAGASA kagabi, huling namataan ang bagyo sa layong 125 kilometers silangan ng Casiguran, Aurora.
Kumikilos ito pa-silangan, timog-silangan sa bilis na 10 kilometers per hour.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging umaabot sa 185 kilometers per hour at pagbugsong 230 kilometers per hour.
Nakataas ang Signal No. 2 sa:
- Eastern portion of Isabela (Dinapigue, San Mariano, Naguilian, San Guillermo, Luna, City of Cauayan,
- Echague, Ilagan City, Angadanan, Benito Soliven, Tumauini, Reina Mercedes, San Agustin, Palanan,
- Divilacan, Gamu, Jones, Maconacon)
- Eastern portion of Quirino (Maddela)
- Extreme northern portion of Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag)
Habang Signal No. 1 sa:
- Batanes
- Babuyan Islands
- Mainland Cagayan
- Natitirang bahagi ng Isabela
- Natitirang bahagi ng Quirino
- Nueva Vizcaya
- Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Silangang bahagi ng Benguet (Bokod, Buguias, Kabayan, Mankayan)
- Silangang Bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Vintar, Carasi, Nueva Era, Banna, Marcos, Dingras,
- Solsona, Piddig, Dumalneg, Bangui)
- Silangang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Gabaldon, Laur, Rizal)
- Nalalabing bahagi ng Aurora
- Polillo Islands
- Calaguas Islands
Batay sa forecast, magpapatuloy ang counter-clockwise looping ng bagyo hanggang ngayong araw bago kumilos pa-hilagang kanluran bukas.
Sa Miyerkules naman, lalapit at posible itong mag-landfall sa Batanes.
Lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Goring sa tanghali o gabi ng Huwebes.
Samantala, patuloy namang pinalalakas ng bagyo ang habagat na magdadala ng gusty conditions o mga pagbugso sa Aurora, Bataan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Visayas, Dinagat Islands, Camiguin at Zamboanga Peninsula.