Napanatili ng Bagyong “Goring” ang lakas nito habang nasa Luzon Strait.
Huli itong namataan sa layong 240-kilometer silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 190 kilometers per hour.
Patuloy itong kumikilos pa-hilaga, hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Nakataas ulit ang Signal No. 2 sa ilang lugar sa Luzon kabilang sa:
- Batanes
- Babuyan Islands
- Extreme northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana at Cagayan)
Habang Signal No. 1 sa:
- Northern and eastern portions of mainland Cagayan (Camalaniugan, Pamplona, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Sanchez-mira, Santa Praxedes, Allacapan, Lal-lo, Lasam, Peñablanca, Iguig, Amulung, Gattaran, Alcala, Santo Niño)
- Eastern portion of Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan)
- Northern portion of Apayao (Flora, Calanasan, Luna, Pudtol, Santa Marcela)
Samantala, hindi pa rin isinasantabi ng PAGASA ang posibilidad na mag-landfall ang Bagyong Goring sa Batanes bukas.
Nakikitang lalakas muli ang bagyo sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw at magiging isa muling super typhoon.
Sa Huwebes, inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility.
Facebook Comments