Bagyong “Goring” napanatili ang lakas habang patuloy na lumalapit sa Luzon Strait; Signal No. 3 itinaas sa bahagi ng Babuyan Islands

Napanatili ng Bagyong Goring ang lakas nito habang patuloy na lumalapit sa Luzon Strait.

Batay sa Tropical Cyclone Bulletin #22 ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 220 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 155 kilometers per hour at pagbugsong 190 kilometers per hour.


Patuloy itong kumikilos pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.

Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa hilagang-silangan na bahagi ng Babuyan Islands.

Nakataas pa rin sa Signal No. 2 ang ilang lugar sa Luzon kabilang ang:

• Batanes
• Nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
• Extreme northeastern portion ng Mainland Cagayan partikular sa Santa Ana at Gonzaga

Habang Signal No. 1 naman sa:

• Northern at eastern portion ng Mainland Cagayan
• Eastern portion of Isabela
• Northern portion of Apayao
• Northern Portion of Ilocos Norte

Facebook Comments