Bagyong Goring, patuloy ang paghina habang nasa Philippine Sea; siyam na lugar, nakataas pa rin sa Signal no. 1

Patuloy ang paghina ni Bagyong Goring habang nasa Philippine Sea.

Huli itong namataan sa layong 245 kilometers, Silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 155 kilometers per hour at may pagbugso na aabot sa 190 kilometers per hour.


Kumikilos naman ito sa direksyon na hilaga-hilagang silangan sa bilis na 15 kilometers per hour.

Sa kabila nito, nakataas pa rin ang Signal no.1 sa mga sumusunod na lugar:

Batanes
Babuyan Islands
Hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan
Silangang bahagi ng Isabela
Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora
Polilio Islands
Hilaga at silangang bahagi ng Camarines Norte kabilang Calaguas Islands
Hilagang-silangang bahagi ng Camarines Sur
Hilagang bahagi ng Catanduanes

Ayon sa PAGASA, patuloy na babagtasin ng Typhoon Goring ang direksyon hilaga, hilagang silangan at tutungo ng Bashi Channel at bisinidad ng Batanes bukas.

Posibleng mag-landfall ito sa nasabing lalawigan sa Miyerkules at inaasahang aalis ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes.

Facebook Comments