Lalo pang lumakas at isa na muling super typhoon ang Bagyong #GoringPh.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 185 kilometers per hour at pagbugsong 230 km/h.
Nananalasa ngayon ang bagyo sa hilagang-silangang bahagi ng Babuyan Islands kung saan kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 5.
Inilarawan ng PAGASA ang kondisyon ngayon sa babuyan bilang “violent” at “life-threatening” na maaaring mag-iwan ng malawakang pinsala sa mga istruktura, kabahayan at mga taniman.
Samantala, Signal Number 4 sa:
- Southern portion of Batanes (Sabtang, Uyugan, Ivana, Mahatao, Basco)
- Northwestern at southeastern portions of Babuyan Islands (Camiguin Island., Calayan Island.)
Signal Number 3 naman sa:
- Nalalabing bahagi ng Batanes
- Natitirang bahagi ng Babuyan Islands
- Extreme northeastern portion of mainland Cagayan (Santa Ana)
Habang Signal Number 2 sa:
- Northern and eastern portions of mainland Cagayan (Gonzaga, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Santa Teresita, Allacapan, Lal-lo, Lasam, Gattaran, Baggao, Peñablanca)
- Northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg)
- Northern portion of Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
At Signal Number 1 sa:
- Northern and eastern portion of Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano)
- Nalalabing bahagi ng Ilocos Norte
- Nalalabing bahagi ng Cagayan
- Nalalabing bahagi ng Apayao
- Northern portion of Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Malibcong)
- Northern portion of Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, Tabuk City)
Samantala, lumakas at patuloy din sa paglapat sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang severe tropical storm “Haikui.”
Inaasahang papasok ito sa PAR ngayong miyerkules at tatawaging Bagyong “Hanna.”