Bagyong Gorio, mas lumakas pa ayon sa PAGASA

Manila, Philippines – Bahagyang lumakas si bagyong Gorio at bumagal habang tinatahak ang hilaga-hilagang kanluran ng bansa.

Ayon sa PAGASA sa ngayon ang mata ng bagyong Gorio ay nasa 595km east ng Casiguran Aurora.

Sa ngayon walang nakataas na tropical cyclone warning sa anumang bahagi ng bansa.


Sinabi pa ng PAGASA ng dahil sa weather system palalakasin nito ang habagat na magpapa ulan sa malaking bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.

Bukas ng umaga nasa Tuguegarao City Cagayan ang bagyong Gorio.

Habang Biyernes ng umaga nasa silangang bahagi na ito ng Basco Batanes .

Sabado ng umaga inaasahang nasa hilagang silangang bahagi na ito ng Basco Batanes.

Linggo ng umaga sa hilaga, hilagang -silangang bahagi ng Basco Batanes at Lunes ng umaga inaasahang lalabas na ng PAR si Gorio.

Kasunod nito pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag antabay sa kanilang weather update mamayang alas-onse ng gabi.

Facebook Comments