Papalayo na ng bansa ang typhoon Hanna habang tinutumbok na ngayon ang China.
Huling namataan ang bagyo sa layong 645 kilometers hilaga-hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Mayroon itong lakas ng hanging nasa 175 kilometers per hour at pagbugsong nasa 215 kilometers per hour.
Bumilis ito sa 20 kph.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – magpapaulan pa rin ang hanging habagat sa Ilocos, Cordillera, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at hilagang bahagi ng Palawan.
May paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Western Visayas at natitirang bahagi ng Calabarzon, Central Luzon at Mimaropa.
Sa ngayon, mapanganib pa ring maglayag sa baybayin sa Luzon at Visayas, maging sa hilaga at silangang baybayin sa Mindanao.