Bagyong Hanna, nakalabas na ng PAR

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang typhoon Hanna.

Sa huling impormasyon mula sa PAGASA, lumabas ito ng PAR kaninang alas-12:30 ng madaling araw.

Namataan ang sentro nito sa layong 550 kilometers hilaga-hilagang silangan ng Basco, Batanes.


Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers per hour at pagbugsong nasa 240 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo northwest sa bilis na 15 kph.

Nakataas nag tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – makakaranas pa rin ng malalakas na pag-ulan ang Batanes at Babuyan Group of Islands.

Iiral naman ang mga pag-ulang dulot ng hanging habagat sa Ilocos, Cordillera, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at hilangang bahagi ng Palawan.

May mahihinang ulan sa Metro Manila, Western Visayas, Calabarzon at natitirang bahagi ng Central Luzon at Mimaropa.

Mapanganib pa ring maglayag sa baybayin ng Luzon at Visayas, maging sa hilaga at silangang baybayin ng Mindanao.

Facebook Comments