Bagyong “Hanna” napanatili ang lakas habang nasa Philippine Sea

Napanatili ng bagyong “Hanna” ang lakas nito habang kumikilos pa-kanluran sa Philippine Sea.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 595 kilometers east northeast ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 129 km/h at pagbugsong 150 km/h.


Malabong magdulot ng malalakas na ulan at bugso ng hangin ang bagyong hanna pero posible pa ring itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes kapag nagkaroon ng southward shift o bahagyang pagsubsob ng track ng bagyo.

Inaasahang lalabas ng par ang bagyo sa Linggo ng gabi o umaga ng Lunes.

Facebook Comments